ANG MATINDING PINAGDAANAN
NI APIONG
Si Albert Patrick Ian Oscar Nathaniel Guerrero o mas kilala
sa tawag na “APIONG” ay isang binatang nag-aaral sa University of Novaliches at
kumukuha ng kursong Criminology. Ito ang kursong ipinakuha sa kanya ng kanyang ama
sapagkat gusto niyang maipagpapatuloy ng anak ang kanyang naudlot na pangarap
na maging pulis.
Siya ngayon ay nasa ikatlong taon na ng kurso ngunit pagod
na pagod na siyang magpanggap at gusto nang tumigil upang makuha ang gusto
niyang kurso na fashion designing. Inakala ng kanyang ama na siya ay isang
tunay na lalaki sapagkat kung kumilos ito ay makisig at di malamya, ngunit di alam
ng kanyang ama na ang kanyang anak ay may berdeng dugo na nananalaytay sa katawan.
Isang araw, nagkaroon ng practical exam sila Apiong sa isa
sa kanilang mga major subject. Ang exam nila ay tungkol sa tamang paghawak at
pagpapaaputok ng baril at ang pag asinta ng tama. Takot siyang humawak ng baril
lalong-lalo na ang pagpapaputok nito. At ito ang simula ng kanyang matinding
pinagdaanan.
Ika-15 ng Marso taong 2021,
Nasa kanyang dormitoryo si Apiong at masayang nakikipag
kwentuhan sa kanyang mga kaklaseng babae ng biglang may dumating at nagpahayag
ng anunsyo. Ang anunsyo ay tungkol sa magaganap na practical exam ng mga
estudyanteng nasa ikatlong taon at kumukuha ng kursong Criminology bukas. Biglang
kinabahan si Apiong sapagkat dumating na ang araw na kanyang labis na
kinatatakutan. Ang makahawak siya at makapaputok ng baril.
“Hala! Ang saya niyan panigurado. Na excite tuloy ako.” (*u*)
Ika ng kaklase niyang babae.
“Ano? Masaya? Gurl, sigurado ka? Nakakatakot kaya yan.”
“Hoy Albert! Ano bang
pinagsasabi mo diyan? Criminology students tayo at kailangan nating matutung
humawak at gumamit ng baril. Hindi mo ba alam yun? Hahahaha”
“Sige tawa ka pa. Baka ma bilaukan ka diyan Roberta! Tsk.
Alam ko naman yun, eh takot lang talaga ako sa baril.”
“Abay bat ka nag-enroll ng Criminology kung takot ka naman
pala sa baril?” (O.O)
“Gusto ng tatay ko eh.”
“HALA! Bat di mo sinabi sa kanya?”
“Gusto niya kasi tupadin ko yung pangarap niyang maging
pulis. Ayaw ko namang mabigo siya sakin.”
Kinabukasan, Ika-16 ng Marso 2021,
Nagtipun-tipon ang mga studyanteng kasali sa magaganap na
practical exam. Kasali na dito asn baklang sobrang nanginginig na sa sobrang
takot, na pinapakalma naman ni Roberta.
“Girl? Okay kalang ba? Wag mo naman ipalabas yang kabaklaan
mo dito te.”
Namumuti ang mga labi ni Apiong habang nanonood sa mga
kaklase niyang nakasalang. Animo’y takot na takot ito at naghahanap ng paraan
upang di niya magawa ang exam. Ngunit wala siyang nagawa, tinawag na siya upang
masimulan niya na ang pagsusulit, sa kasamaang palad, pagtanggap niya ng baril
ay bigla siyang hinimatay at nawalan mg malay.
Agad-agad na lumuwas ng Novaliches ang kanyang ama at ina
upang makita ang kalagayan ng kanilang anak. Tinanong ng mga magulang ni Apiong
ang doctor na tumitingin sa kanya. Ika
nito, nawalan siya ng malay dahil sa nerbyos.
“Hay, akala ko naman kung anong nangyari, nerbyos lang pala!
Tsk.”
“Mabuti nalang yun mahal, kaysa naman sa ibang balita ang
matanggap natin hindi ba?”
Ilang oras ang lumipas at nagising na si Apiong. Nakita niya ang kanyang mga magulang, at biglang nakaramdam
ng takot ng nasulyapan niya ang kanyang ama.
“Anak? Gising kana pala? Anong gusto mong pagkain?”
“Kahit ano nalang poi nay.” Sagot nito sa kanyang ina.
“Sige, ako’y bibili muna ng makakain mo sa labas anak.”
Lumisan na ang kanyang ina, naiwan sila sa kwarto ng kanyang
ama.
“Tay?” Panimula ni Apiong sa kanilang usapan.
“Ano bang nangyari sayo at bakit ka sinumpong ng nerbyos?
Albert naman oh, napaluwas pa tuloy kami ng nanay mo dito sa Novaliches, akala naming
kung ano na ang nangyari sayo.”
“Sorry po tay.”
“Okay lang anak, mag-ipon kana ng lakas upang makabalik ka
sa practical exam mo.”
“Tay! Ayaw ko na pung bumalik dun!”
“Ano?”
“Tay, pasensya na po, pero hindi ko po talaga kayang maging
pulis. Matagal ko na pung tinatago ito, ngunit wala akong lakas ng loob upang
sabihin ito sa inyo.”
“Ano bang ibig mong sabihin?”
“Tay, bakla po ako, ayam ko pong maging pulis, gusto ko pung
maging fashion designer baling araw.”
“ANO?! PINAGLOLOKO MO BA AKO?!”
“Hindi po.”
“Tsk! Nahalata ko na dati pa, wag mo na iyang ipagpatuloy
anak, hindi kita pipilitin. Sundin mo na ang gusto mo, buhay mo yan, mas alam
mo kung ano ang nakabubuti para sayo.”
“Talaga tay? LORD! THANK YOU SO MUCH! DADDY, SALAMAT SO
MUCH!”
Nagtatalon sa tuwa si Apiong sapagkat natanggap na siya ng
kanyang ama. Agad siyang nag shift ng kurso at tinupad ang matagal niya
ng pinapangarap. (^u^)
THE END