Si Botchokoy, ay kilala sa tawag
na Botchok.
Isang batang mahilig mangatok.
Kahit anong bagay, di matiis na
di mahawakan.
Sapagkat siya’y lumaki na walang
magulang.
Kahit ano’y kaya niyang gawin.
Basta bay may kapalit na pagkain.
Mapagmahal at masunurin.
Ngunit may pagkapikunin.
Masayahing bata si Botchok.
Di niya inda ang buhay niyang
marupok.
Basta bay kasama niya ang Diyos
panghabang buhay.
Wala siyang paki-alam sa mga
bagay-bagay.
Kilalang-kilala si Botchok sa
kanilang lugar.
Ang mga tao’y nasisiyahan kung
siya’y nasisilayan.
Mabait at kung minsay nakaharap
pa sa altar.
Upang magdasal sa Ama na patuloy
siyang gabayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento